Labing-isang katao ang iniulat na nasawi sa dengue habang tatlo naman ang namatay sa malaria sa MIMAROPA Region na nakasasakop sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Batay sa ulat ng Department of Health (DoH)-MIMAROPA Regional Epidemiology Surveillance Unit, umaabot sa 1,862 ang kaso ng dengue sa rehiyon simula Enero 1 hanggang Oktubre 25, 2014, at 11 sa mga ito ang namatay.

Ang nasabing mga kaso ay mas mababa ng 63 porsiyento kumpara sa 4,982 kaso ng dengue na naitala sa kaparehong panahon noong 2013.

Samantala, nasa 404 naman ang dinapuan ng malaria sa rehiyon at tatlo sa mga ito ang namatay.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Mas mababa ito ng 66 na porsyento kumpara sa 1,176 naitala sa katulad na panahon noong nakaraang taon.