Tiniyak ng samahan ng mga panadero sa Pilipinas ang pagbaba nila sa presyo ng tinapay sa mga pamilihan sa Nobyembre 7.

Magpapatupad ang mga panadero ng bawas-presyo na P0.50 sa kada supot ng Pinoy tasty o loaf bread habang P0.25 naman sa Pinoy pandesal na naglalaman ng 10 piraso.

Ang bagong bawas-presyo sa tinapay ay bunsod sa pagbaba ng P2.00 sa presyo ng kada sako ng harina sa merkado.

Sa naturang petsa, mabibili sa supermarket ang Pinoy tasty sa halagang P36.50 mula sa dating P37 samantalang P22.25 naman ang bawat supot ng Pinoy pandesal.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Unang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang pagtaas sa presyo ng tinapay hanggang sa Pasko bagkus asahan ang bawas-presyo dahil sa patuloy na pagbaba ng presyuhan ng harina at trigo sa pandaigdigang pamilihan.

Gayuman, sinabi ng mga panadero na hindi nila maipangangako na masusundan ang price rollback sa tinapay dahil nananatiling mataas ang presyo ng ibang sangkap sa paggawa nito, kabilang ang asukal, margarine at gatas.