Ni BOY ALEJANDRO SILVERIO
NGAYONG araw ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang Araw ng mga Patay, taunang paggunita sa mga mahal sa buhay na yumao na.
Sa showbiz, hindi rin nakakaligtaang gunitain ang mga alaala ng mga artista’t iba pang mga taga-industriya na pumanaw at ngayon ay malaking kawalan sa daigdig na minsan nilang kinabilangan.
Hindi nga mawawaglit sa isipan ng madlang tagatangkilik, lalo’t sumasapit ang araw na ito, ang mga pumanaw nang tulad nina Fernando Poe, Jr., Dolphy, Chiquito, Rudy Fernandez, Bernard Bonnin, Eddie Fernandez, Vic Vargas, Jun Aristorenas, Jess Lapid, Sr., Zaldy Zshornack, Rico Yan, Ace Vergel, Eddie Rodriguez, Chiquito, Bernard Belleza, Alberto Alonzo, Anthony Alonzo, Dencio Padilla, Pablo Virtuso, Rene Requiestas, Paquito Diaz, Max Alvarado, Lito Anzures, Victor Bravo, Van de Leon, Eddie Peregrina, Bert Tawa Marcelo, Redford White, Francis Magalona, Ramon Zamora, George Estregan, Luis Gonzales, Babalu, Panchito, Teroy de Guzman, Pepe Pimentel, Eddie Infante, Angel Esmeralda, Lopito, Pugak, Tugak, Bentot, Cachupoy, Toto, Eddie Arenas, Lou Salvador, Sr., Leroy Salvador, Ric Bustamante, Ike Lozada, Ben David, Bert Olivar, Juancho Gutierrez, Manuel Conde, George Canseco, Von Serna, Prospero Luna, Johnny Monteiro, Jaime dela Rosa, Nello Nayo, Ross Rival, Philip Gamboa, Mario Montenegro, Ruben Rustia, Bruno Punzalan, Van de Leon, Casmot, Diomedes Maturan, Weng Weng, Miguel Rodriguez, Rodel Naval, Fred Montilla, Reycard Duet, Rod Navarro, Larry Silva, Teroy de Guzman, Ben Perez, Gil de Leon, Amado Cortez, Vic Pacia, Cachupoy, Pugo, Rodolfo Boy Garcia, Renato del Prado, Berting Labra, Larry Silva, Nestor de Villa, Teroy de Guzman. Rogelio dela Rosa, Jose Padilla, Jr, Conrad at Andy Poe, Leopoldo Salcedo, Nestor de Villa, Eddie del Mar, Johnny D’Salva, Lauro Delgado, Ric Rodrigo, Juancho Gutierrez, Tito Galla, Dindo Fernando, Vic Silayan, Eddie Rodriguez, Alfie Anido, Joel Alano, at Oscar Roncal.
At sa mga kababaihan naman ay sina Carmen Rosales, Charito Solis, Rita Gomez, Rosa del Rosario, Elsa Oria, Tita Duran, Tessie Quintana, Mary Walter, Alicia Vergel, Monang Carvajal, Katy dela Cruz, Nida Blanca, Bella Flores, Patria Plata, Chat Silayan, Julie Vega, Stella Strada, Claudia Zobel, Chichay, Menggay, Aruray, Patsy, Juvy Cachola, Dorothy Joy, Pepsi Paloma, Moody Diaz, Dely Atay-Atayan, Emma Henry, Chichay, Metring David, Helen Vela, Maria Theresa Carlson, Mila Ocampo, Carmen Ronda, Inday Badiday, Didith Reyes, Rosa Mia, Bella Flores.
Pati mga batikang director na sina Lino Brocka, Lamberto V, Avellana, Gerry de Leon, Armando Garces, Marilou Diaz-Abaya, Gregorio “Yoyong” Fernandez, Armando de Guzman, Artemio Marquez, Celso Ad Castillo, Pablo Santiago, Eddie Romero, Cirio H. Santiago, Cesar ‘Chat’ Gallardo, Ishmael Bernal, Efren Reyes, Sr., Nemesio Caravana, Tony Cayado, Octavio Silos, Olive la Torre, Mar S. Torres, at Mario Barri.
Gunitain din natin ang pagpanaw ng ilan sa mga kilala pang bituin sa pinilakang-tabing kabilang na rito sina Fernando Poe, Sr., Bimbo Danao, Rudy Concepcion, Oscar Keesee, Rosario Moreno, Vicente Liwanag, Tolindoy, Vicente Salumbides, Jaime Castellvi, Vicente Ocampo, Luningning, Maria Clara Ruiz, Precioso Palma, Andy Garchitorena, Bino Garcia, Nanding Flores, Johnny de Leon, Vic Pacia, Roger Nite, Sylvio Ramiro, Zorayda Sanchez, Virgilio Garcia, Direk Felix Dalay, Sancho Tesalona, Dalton de Castro, Venchito Galvez, Ric Bustamante, at Rafael Yabut.
Ang alaala ng mga pananagumpay at kabiguan nila’y mananatili sa isipan at damdamin ng publikong patuloy na tumatangkilik sa industriya ng aliwang pang-lokal.
At sa taong ito ay nagluksa ang industriya ng pelikulang Pilipino sa pagpanaw nina Tia Pusit, Roy Alvarez, at Mark Gil.
Malaking kawalan din sa industriya si Mark Gil. Medyo napahinga lamang siya noong may sakit na, pero basta bumubuti ang pakiramdam ay gumagawa pa rin naman siya ng pelikula at teleserye. Noon lamang nakaraang taon ay marami pang pelikulang nagawa si Mark Gil, ‘tapos bigla na nga lang siyang humina dala na rin ng dating karamdaman.
Sa mga nakaraang taon, marami ang yumao sa industriya ng pelikula. Idinadalangin na nga lang natin na sana ay lumawig pa ang buhay ng mga mahuhusay na artista natin.