TARLAC CITY - Matinding traffic ang inaasahan sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) ngayong Sabado.

Sinabi ni Tollways Management Corporation (TMC) Media Relations Specialist Kiko Dagohoy na inaasahan nilang madagdagan ng 15 porsiyento ang sasakyang dadaan sa NLEX at SCTEX kaya bubuksan ang lahat ng teller booth sa Balintawak toll plaza sa Caloocan City bukod pa sa mga ambulant teller.

Napag-alaman na sasabay din ang may 65,000 kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) na dadalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang lider na si Eduardo Manalo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Dahil dito, magsisikip ang magkabilang panig ng NLEX bago dumating ng Bocaue Exit at Marilao Exit.

Probinsya

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

May itinakdang motorists assistance camp sa NLEX at SCTEX.