Kim Rodriguez,  Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Bea Binene, and Jake Vargas

MAKULAY at di-malilimutan na Masskara Festival ang nasaksihan ng Kapuso stars na dumayo sa Bacolod City kamakailan.

Noong October 17, umabot sa 5,000 katao ang pumuno sa Main Atrium ng SM City Bacolod para mapanood ang ilan sa mga artista sa Strawberry Lane.

Habang inaawit ni Sheryl Cruz ang Mananatili na carrier single ng kanyang latest album ay isang diehard fan niya ang napaluha at nanginig pa nang tawagin ng singer-actress upang samahan siya sa stage.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Maaga namang namasko si Bea Binene sa kanyang Christmas song number, kasunod ang pagharana ng ka-love team niyang si Jake Vargas sa isang masuwerteng fan na panay ang halik sa pisngi ng young actor. Lalo pang kinilig ang audience nang tawagin at kantahan naman ni Jake si Bea.

Kasama rin nila sa mall show sina Sunshine Dizon na nagpa-games at Kim Rodriguez na nagbigay rin ng song number.

Kinabukasan, dumagsa naman ang umaabot sa 7,000 katao sa People’s House (dating New Government Center) na nanood ng Bet ng Bayan Western Visayas Regional Showdown hosted by Regine Velasquez-Alcasid na nag-alay ng isang bonggang opening act kasama ang Masskara dancers.

“It’s been really wonderful. Ang dami na nilang [contestants] pinagdaanan kasi maraming stages ‘to, eh, may provincial finals, ngayon nasa regionals na tayo and then after regionals magkakaroon na ng semifinals and then [grand] finals. If you watch it from the beginning, you will see your contestants growing, especially kung magaling at nanalo siya parati,” excited na sabi ni Regine.

“I really told GMA Artist Center po if they could give me a hosting job, if possible,” sabi naman ng co-host niyang si Alden Richards. “Hindi ko naman po in-expect na ganito kalaki, ang laki naman agad, agad-agad, Bet ng Bayan nga po with Ms. Regine Velasquez-Alcasid. Ang sarap pong mag-host kasi it’s another angle for me.”

Kasalukuyan ding napapanood si Alden bilang si Jose Rizal sa bayaniserye na Ilustrado.

Napahanga ng Western Visayas regional bets ang judges na sina Kuh Ledesma, Louie Ocampo, at Allan K.

Pagkatapos ng Bet ng Bayan, itinampok naman sina Kris Bernal, Rocco Nacino, at Lauren Young ng Hiram na Alaala sa Kapuso Meet and Greet, kasunod ang Charter Day Countdown.