Bagamat nasunog ang bahay kamakailan, ipagpapatuloy pa rin ni Manila 1st District Rep. Benjamin “Atong” Asilo ang kanyang pet project na “Libreng Sakay” ngayon sa Tondo I.

Sinabi ni Asilo na may 50 bahay ang natupok, katumbas ng 275 pamilya.

Kaagad na humingi ng tulong ang kongresista sa gobyerno para alalayan ang mga kapitbahay na nasunugan.

“Hindi makahahadlang sa aking adhikain na ituloy ang pagseserbisyo ko sa aking mga constituent simula pa lamang na ako’y naging konsehal, kabilang dito ang taunang proyektong Libreng Sakay patungo sa Manila North Cemetery,” ani Asilo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ayon sa kongresista, may siyam na terminal ang nakakalat sa kanyang distrito at 75 sasakyan ang maghahatid sa kanyang constituents papunta sa Manila North Cemetery.

Dagdag pa niya, inaasahang maaalalayan ng kanyang Libreng Sakay ang may 20,000 taga-Tondo ngayong Undas.

Ang Libreng Sakay sa siyam na terminal ay magsisimula ng 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.