CLEVELAND (AP)- Tila nawala sa direksiyon si LeBron James sa kanyang pagsisimula sa kanyang unang laro sa Cleveland Cavaliers matapos ang apat na taon, kung saan ay hinadlangan ng New York Knicks ang emotional homecoming ng megastar tungo sa 95-90 victory kahapon.
Tumapos si James, nagbalik sa Cavs at kanyang native Ohio sa summer na ito makaraang ang dalawang NBA titles sa Miami, na mayroon lamang 17 puntos o mula sa kanyang 5-of-15 sa shooting.
Nakamit din nito ang walong turnovers at kinakitaan na ‘di komportable sa gabi ng kabuuan ng siyudad kung saan ay nagselebra ang star-studded crowd sa kanyang pagbabalik.
Umiskor si Carmelo Anthony ng 25 puntos at ibinaon ang isang jumper sa harap pa mismo ni James sa may 25 segundo pa ang nalalabi sa orasan upang ibigay sa Knicks ang 92-87 lead.
Nagsalansan si Kyrie Irving ng 22 habang nag-ambag si Kevin Love ng 19 puntos at 14 rebounds para sa Cavs, nagkaroon ng ilang pagtatrabaho bago sinimulang isipin ang hinggil sa mga titulo.
WIZARDS 105 MAGIC 98
ORLANDO, Fla. (AP)—Ang isang bagay na kailangang pagtuunan ni Washington coach Randy Wittman, matapos na matamo ng kanyang koponan ang season-opening loss sa Miami, ay ang kakulangan ng kanilang defensive intensity.
At naisakatuparan naman ito ng Wizards sa kanilang ikalawang outing sa naturang season.
Nagtala si John Wall ng 30 puntos at 12 assists kung saan ay kinailangan ng Washington na umarangkada sa huling bahagi ng laro upang talunin ang Orlando Magic,105-98.
Nagdagdag naman si Marcin Gortat ng 20 puntos at 12 rebounds. Nagtarak ang lahat ng limang ng double figures kung saan ay napasakamay ng Washington ang kanilang ikalimang sunod na panalo kontra sa kanilang division rival.
‘’I like the way we responded,’’ masayang sinabi ni Wittman. ‘’We created more offense with our defense tonight than we have in eight preseason games and last night.’’
Napag-iwanan ang Magic ng 3 puntos sa unang half, bago na—outscor sa 28-15 sa third quarter. Nakarekober ang Orlando sa ikaapat na quarter kung saan ay sadyang naghabol sila upang tapyasin ang 17-point lead ng Washington tungo sa 2 puntos na lamang, may 1 minuto pa sa orasan. Ngunit nalibre si Wall para sa kanyang driving layup upang makatulong para maipreserba ang pagwawagi.
‘’I’m basically the head of the snake on the offensive and defensive end, so (against Miami) we didn’t have the same kind of intensity,’’ pagmamalaki ni Wall. ‘’I knew we couldn’t go into the season 0-2, so I’m going to come out with more energy and play better on the defensive end.’’
Pinamunuan ni Nik Vucevic ang Magic sa inasintang 23 puntos at 12 rebounds. Ibinuslo ni Ben Gordon ang 22 puntos habang naging solido si Evan Fournier sa ikinasang 21 puntos o mula sa 8-of-10 sa shooting.
Tinipa ng Orlando ang 51 percent sa shooting ngunit nakamit naman nila ang mahigit sa 18 turnovers, ipinatas ang kanilang total mula sa season opener.
‘’I thought we played pretty well, but those turnovers are just too much,’’ ayon kay Vucevic. ‘’We’re not good enough to allow those.’’
Naglaro ang Wizards ng shorthanded sa kanilang pagkatalo sa Miami noong Huwebes, ngunit nakakuha ng dagliang tulong sa loob kahapon sa pagbabalik ng big man na si Nene. Nagbalik ito mula sa one-game suspension nang painitin nito ang bench area sa kagsagsagan ng preseason sa nangyaring pagtatalo nina Paul Pierce at Chicago’s Joakim Noah.