CHICAGO (AP)- Umiskor si LeBron James ng 36 puntos upang tulungan ang Cleveland Cavaliers sa panalo kontra sa Chicago Bulls, 114-108, sa overtime kahapon.

Bumangon si James mula sa napakasamang laro sa nakaraang laban kung saan ay inasinta nito ang 8 puntos sa extra period upang mapasakamay ng Cavaliers ang panalo matapos ang opening loss sa New York.

Nagposte si Derrick Rose ng 20 puntos para sa Chicago, ngunit ang kanyang unang makabuluhang home game sa halos isang taon ang sumira sa kanya sanhi ng sprained left ankle at dominanteng pagpapakita ng megastar ng Cavs. Pinagpahinga si Rose ng halos sa nakalipas na dalawang seasons sanhi ng knee injuries, uugod-ugod na naglakad sa unang half kung saan ay dumeretso ito sa locker room sa fourth quarter.

Naghabol ang Cleveland mula sa pagkakasadsad sa 5 puntos sa pagsasara ng minuto mula sa regulasyon makaraang palobohin ang nine-point lead sa pagsisimula ng fourth quarter.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mismong si James ang umatake sa OT, isinagawa ang wild reverse layup at itinarak ang unang 8 puntos ng Cleveland sa extra period.

Tangan ng Cavaliers ang 106-104 lead matapos na humirit si Kirk Hinrich ng 2 free throws sa nalalabing 46.8 segundo sa korte. Ngunit pinagyelo ni Tristan Thompson sa sumunod na pagkakataon ang laro sa pamamagitan ng kanyang hard dunk upang dalhin ang laban sa 4 puntos na kalamangan, may 24 segundo pa sa laro. Ipinatas ni Thompson ang franchise record sa 12 offensive rebounds.