Nobyembre 1, 1512 nang isapubliko ang kisame ng Sistine Chapel sa Vatican City. Si Michaelangelo Buonarroti, isa sa pinakatanyag na Italian Renaissance artists, ang nagdisenyo nito. Naatasan siyang gawin ang trabaho noong 1508.

Pinuno ni Michaelangelo ng maraming biblical figures ang siyam na panel ng kisame. Ang “The Creation of Adam,” ang painting ng pag-aabot ng kamay ng Panginoon kay Adan, ang pinakasikat niyang obra.

Noong 1534, gumuhit siya para kay Pope Paul III, na tinawag na “The Last Judgment,” na nasa pader sa itaas ng altar ng Sistine Chapel.

Isinilang sa Caprese, Italy, si Michaelangelo at lumaki sa Florence, na roon umusbong ang early Renaissance movement. Nagsanay siya ng pagpipinta kay Lorenzo de’ Medici sa edad na 13. Ipinagpatuloy niya ang pagpipinta ng mga avant-garde hanggang sa siya ay pumanaw noong 1564.
National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!