HONG KONG (Reuters)— Libu-libo ang lumagda sa isang online petition na komokondena sa mga iniulat na komento ng isang board member ng HSBC Holdings na inihalintulad niya ang hiling na kalayaan ng Hong Kong protesters sa pagpapalaya ng mga alipin.

Ginawa ni Laura Cha, miyembro rin ng policy-making Executive Council ng Hong Kong, chairwoman ng Financial Services Development Council ng lungsod at miyembro ng parliament ng China, ang komento sa isang event sa Paris.

“American slaves were liberated in 1861 but did not get voting rights until 107 years later, so why can’t Hong Kong wait for a while?” iniulat ng pahayagang Standard noong Huwebes na sinabi ni Cha, bilang pagtukoy sa hiling na malayang halalan sa dating British colony.

“We, the Hong Kong public, will not stand these remarks likening our rights to slavery, nor will we stand the kind of voter disenfranchisement her and her associates attempt to perpetrate on the Hong Kong public,” saad sa petisyon sa HSBC, na humihiling ng patawad mula kay Cha.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists