Binigo ng nagdedepensang kampeon na Hobe-JVS ang Supremo Lex Builders-OLFU, 87-79, noong Huwebes ng gabi para mapanatili ang liderato sa Group A ng 4th DELeague Invitational Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Matapos ang jumper ni Adrian Alban ng Supremo para itabla ang laban sa 79, may 3:49 pa sa laro, hinigpitan ng Hobe-JVC ang depensa na naging dahilan para ‘di na makaiskor pa ang koponang binubuo ng Our Lady of Fatima University varsity team.

Umiskor si Teng Reyes ng 13 puntos at nagtala si Mike Warnest ng 12 puntos, 5 rebounds at 3 shot blocks para sa Hobe na may 2-0 kartada.

Ang Supremo Lex Builders-OLFU ay pinangunahan ni Paul Pineda na may 15 puntos habang gumawa naman ng 11 puntos at 8 rebounds si Gong Flores.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ikalawang laro ng liga na itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental at Tutor 911, tinambakan ng Siargao Legends ang MBL Selection, 111-63.

Nagsalansan ng 16 puntos si CJ Perez at kumulekta ng 15 puntos at 6 rebounds ang manlalaro ng University of the East (UE) Red Warriors na si Charles Mammie para sa Siargao Legends na mayroon ding dalawang panalo sa dalawang laro.

Kapwa naman umiskor ng 11 puntos sina Mike Ayonayan at Francis Sison para sa MBL Selection.

Magbibigay daan ang liga sa Undas at magbabalik sa Nobyembre 4 kung saan magtatapat ang Uratex Foam at Supremo Lex Builders-OLFU sa unang laro at ang FEU-NRMF kontra Sealions sa main game.