Maaari nang gamitin sa pagbabayad ng buwis ang credit card kung walang cash.

Ito ang isinusulong ni Parañaque City Rep. Eric L. Olivarez sa Kamara upang maginhawahan ang libu-libong taxpayer na walang perang maipambayad sa buwis.

“The use of credit cards or debit cards will become an acceptable way and a convenient way to pay taxes,” aniya.

Sinabi ni Olivarez na ang pagpapahintulot sa paggamit ng credit card o debit card sa pagbabayad ng buwis ay makahihikayat sa mga mamamayan upang mabilis na mabayaran ang kanilang tax obligations.

Sen. Kiko, tinutulan visa-free policy sa mga Chinese national

“Tax evasion will be lessened if people will have an alternative, that is delayed payment secured by the credit card system,” aniya pa.