COCO Martin

NGAYONG araw ang kaarawan ni Coco Martin at sa bahay lang ang selebrasyon pero pinapangarap niyang matupad na sa susunod na taon ang pagpunta sa Boracay na kasama ang kanyang buong pamilya. Abala pa rin kasi siya sa mga natanguang commitments at gusto rin niyang magpahinga.

Nakakatuwa si Coco dahil ipagdiwang niya ang kanyang birthday kasabay ng ika-10 anibersaryo niya sa showbiz last Wednesday sa Cities Events Place na kasama ang entertainment press at ang mga nakatrabaho niya sa ABS-CBN.

Isa-isang nilapitan ni Coco sa lamesa ang entertainment writers na dumalo para sa picture-taking kasama na ang video.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa aktor, hindi siya sanay sa big celebration at unang pagkakataon niya itong naranasan, at ang may ideya nito ay ang manager niyang si Biboy Arboleda.

“Ang talagang nag-push nito ay ang manager ko bilang pagpapasalamat talaga sa lahat ng mga taong tumulong sa akin from indie (independent movies), sa lahat ng press, sa mainstream movies, at saka sa soap. At sa lahat ng mga taong nakatrabaho ko. Ito lang talaga ang chance ko, at ‘yun, ang purpose nito ay para lang makapag-thank you,” kuwento ng aktor.

Bongga ang celebration ni Coco dahil bumaba sa lupa ang mga panginoon ng ABS-CBN sa pangunguna ng pre­sidente ng network na si Charo Santos-Concio, Dream­scape family headed by Deo Endrinal, Star Magic honcho Johnny Manahan at Ms. Mariole Alberto, ang Skylight producer na si Enrico Santos, Star Cinema bosses Ms. Malou Santos and Roxy Liquigan at iba pang executives.

Dumalo rin ang mga kapwa artista ni Coco na sina Vice Ganda, KC Concep­cion, Julia Montes, Amy Aus­tria-Ventura, Gina Pareño, John Estrada, Ed­die Garcia, Dennis Padilla, Nonie Buencamino, Janus del Prado, Christopher de Leon, Albert Martinez, Ronaldo Valdez, Teresa at Bing Loyzaga, Paulo Avelino, Richard Yap, Gary Valenciano, Ms. Susan Roces at maraming iba pa.

Kuwento ni Coco, wala na siyang mahihiling pang regalo sa kanyang kaarawan dahil nahihiya na siyang humiling pa sa Maykapal dahil halos ibinigay na sa kanya lahat.

“Nang ibigay talaga sa akin ang break na mabig­yan ng ganitong blessing, sinamantala ko.”

Ang gusto lang niya ay magkaroon ng sapat na panahon para sa pamilya at para sa sarili.