Posibleng maungkat ang mga itinatagong yaman ng mga whistleblower sa multi-bilyong pisong pork barrel scam.

Ito ay matapos pagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ng tinaguriang mastermind sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles na ungkatin ang bank account ng whistleblower na si Benhur Luy at ina nitong si Gertrudes Luy.

Bukod sa mag-ina, pinabubuksan din ang savings bank account nina Merlina Suñas at Marina Sula, na kapwa whistleblower din sa kaso.

Inaprubahan din ang hirit ni Napoles sa anti-graft court na mai-subpoena ang Land Registration Authority (LRA) para makuha ang records ng real property nina Luy, Suñas at Sula.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasama pa sa pinayagang hirit ni Napoles na mai-subpoena rin ang Land Transportation Office (LTO) at Bureau of Immigration (BI) para makita ang records ng kanilang mga sasakyan at travel history ng mga ito.

Idinahilan naman ng hukuman na puwedeng masilip ang bank records ng mga whistleblower dahil hindi naman sila ang kinasuhan ng plunder at para makita kung may nakaw ding yaman ang mga ito.