Tim Cook

NEW YORK (AP) – Ang deklarasyon ni Apple CEO Tim Cooks na siya ay “proud to be gay” ay hindi na balita sa Silicon Valley, kung saan hindi na sekreto ang kanyang sexual orientation. Ngunit sinabi ng mga advocate na dahil sa matinding kasikatan at lawak ng impluwensiya ng Apple, ang kanyang pag-amin ay makatutulong upang mabago ang pananaw sa lugar ng trabaho sa buong Amerika.

Ginawa ng 53-anyos na kahalili ni Steve Jobs ang anunsiyo sa isang essay na inilathala noong Huwebes ng Bloomberg Businessweek. Siya ang highest-profile US business executive na inamin sa publiko na siya ay bakla.

Sa isang bansa na ang mas maraming major-league athlete ang lumalabas at umaamin kaysa mga CEO, sinabi ng mga business leader na ang pag-amin ni Cook ay isang mahalagang hakbang para maibsan ang anti-gay stigma, particular sa mga empleado sa maraming estado na ang mga tao ay maaari pa ring masibak dahil sa kanilang sexual orientation.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi ni Cook, nangunguna sa top 50 most powerful people ng Out magazine sa loob ng tatlong taon, sa essay na hindi man niya itinatanggi ang kanyang sekswalidad, hindi rin niya ito hayagang ipinakikita. Sinabi niya na kumilos siya ngayon sa pag-asang ang kanyang mga salita ay makagawa ng pagbabago sa iba.

“I’ve come to realize that my desire for personal privacy has been holding me back from doing something more important,” sulat niya.

Maliban kay Cook, wala nang openly gay CEO sa Fortune 1,000, kahit na batay sa statistic, 3.4 porsiyento ng mga Amerikano ay maituturing na hindi straight, ayon sa data mula sa Centers for Disease Control. Tumangging magbigay ng komento ang ilang openly gay na executive sa malalaking korporasyon sa US.

Hindi pa malinaw kung ano ang magiging epekto ng balitang ito sa mga konserbatibong bansa na parokyano ng Apple Inc.