Ikinatuwa ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) kahapon na nagpapatigil sa implementasyon ng bagong kautusang nagsasama ng P550 terminal fee sa airline ticket sa lahat ng mga internasyunal na pasahero.

Sa 2-pahinang desisyon ng Pasay RTC Branch 109, kinatigan nito ang hirit na TRO ng grupo ng mga OFW sa nakatakda sanang pagpapatupad sa Nobyembre 1 ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 08 na maialis ang mga terminal fee counter sa paliparan.

Iginiit ng OFWs taliwas ang bagong polisiya sa nakasaad sa Migrant Workers Act na may exemption ang mga overseas Filipino worker sa pagbabayad ng travel tax documentary stamp at airport terminal fee na benepisyong tinatamasa nila ng halos 19 na taon.

Bagama’t nag-isyu ng naturang desisyon ang korte, posibleng hindi pa matanggap ang nasabing kopya para sa MIAA at Department of Transportation and Communications (DOTC) dahil half-day lamang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno kahapon para bigyang-daan ang pag-uwi ng mga kawani sa kani-kanilang probinsya ngayong Undas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Unang naantala ang pagpapatupad ng integrated terminal fee mula sa Oktubre 1 ay ipatutupad sana ngayong Nobyembre 1.