Pinuri ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang napapanahong pag-apruba ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa 12 bagong mega infrastructure project na inaasahang lilikha ng maraming trabaho at magpapabilis sa kaunlaran sa kanayunan.

Partikular na tinukoy ni Pimentel ang P8.55 bilyong Flood Risk Management Project para sa Cagayan de Oro River, na magpoprotekta sa mga lupain at ari-ariang sinira ng mga bagyo sa nakalipas na mga taon at magbibigay ng malaking oportunidad upang magkatrabaho ang mga lokal na obrero.

“Layunin ng proyekto na mapalakas ang pagbaka ng mga komunidad sa Cagayan de Oro River mula sa Macalajar Bay hanggang Pelaez Bridge sa climate change at iba pang panganib na likha ng klima dahil mababawasan ang pagbaha sa naturang mga lugar,” sinabi ni Pimentel tungkol sa proyektong sisimulan sa Oktubre 2015 at matatapos sa Marso 2022.

Kabilang sa malalaking proyekto na inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang konstruksiyon ng Sen. Gil Puyat Avenue/Makati Avenue-Paseo de Roxas Avenue Vehicles Underpass Project, Metro Manila Interchange Project, pagsasaayos ng mga tulay na nawasak ng lindol sa Bohol at alokasyon ng pondo para sa operasyon, pagmamantine at pagpapaunlad sa Iloilo, Bacolod, Davao at Puerto Princesa international airports.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho