Mga laro sa Nob. 22: (Mall of Asia Arena)

8 a.m. – NU vs AdU (men)

10 a.m. – ADMU vs FEU (men)

2 p.m. – UST vs UE (women)

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

4 p.m. – ADMU vs NU (women)

Nakatakdang simulan ng defending champion Ateneo de Manila University (ADMU) ang kanilang title-retention bid sa women’s side sa pagsagupa nila sa title contender National University (NU) sa pagbubukas ng UAAP Season 77 volleyball tournament sa Nobyembre 22 sa Mall of Asia Arena.

Taglay ang halos intact na line-up nang magkampeon noong nakaraang Season 76, haharapin ng Lady Eagles ang Lady Bulldogs sa tampok na laro na maituturing na rematch ng nakaraang taong stepladder semifinals sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Una rito, magsasagupa sa unang laro sa women’s division ang University of Santo Tomas (UST) at ang University of the East (UE) sa ganap na alas-2:00 ng hapon matapos ang men’s division clash.

Magtutuos ang defending men’s champion National University (NU) at Adamson University sa ganap na alas-8:00 ng umaga habang magtatapat naman sa ganap na alas-10:00 ng umaga ang ADMU at Far Eastern University (FEU).

Magpapatuloy ang aksiyon kinabukasan sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City kung saan ay magtatagpo ang napatalsik na kampeon noong isang taon na De La Salle University (DLSU) at ang Adamson sa ganap na alas-4:00 ng hapon matapos ang unang laro sa women’s division sa pagitan ng FEU at University of the Philippines (UP).

Kasalukuyang nasa Thailand ang Lady Eagles para sa kanilang preseason training at paghahanda sa pagdedepensa ng kanilang titulo na inaasahang pangungunahan nina reigning MVP Alyssa Valdez, Michelle Morente, Jia Morado, Kim Gequillana, Amy Ahomiro at libero Denden Lazaro.

Para naman sa kanilang tangkang pagbangon mula sa sorpresang kabiguan noong nakaraang taon kung saan ay nawala nila ang bentaheng thrice-to-beat, umaasa ang La Salle Lady Spikers na makaharap ng papalit sa kanilang nagtapos na team skipper na si Abi Maraño.

Nakatakda nilang sandalan para sa misyong pagbawi sa kanilang titulo sina Mika Reyes, Ara Galang, Cyd Demecillo, Kim Fajardo, Desiree Cheng at Cienne Cruz.

Para naman sa kampo ng Lady Bulldogs, nakatakda nilang sandalan, sa pagkawala ng ace hitters na sina Dindin Santiago at Mina Aganon, ang nakababatang kapatid ng una na si Jaja kasama ang iba pa nilang beteranong players na sina Myla Pablo, Rizza Mandapat, Ivy Perez at ang promising rookie na si Jorelle Singh.

Samantala, hindi naman basta na lamang ipagwalang bahala ang iba pang koponan na Tigresses, Lady Maroons, Lady Falcons, Lady Tamaraws at maging ang Lady Warriors na gagabayan ngayon ng bago nilang coach na si Francis Vicente.