Yeng Constantino

SA ikalawang pagkakataon ay muling tutuntong si Yeng Constantino sa Smart Araneta Coliseum sa Nobyembre 21 para sa ICON: The Concerti kasama sina Rico Blanco at Gloc 9.

Paano niya ilalarawan ang dalawang sikat ding performers?

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Totally different books, hindi sila puwedeng mapagkumpara kasi sobrang iba. Both are beautiful, parang ganu’n, eh. Rico is super highly creative person, nabalitaan mo ba ‘yung ginawa niya na album, ‘yung concert niya sa Teatrino or Music Museum, ‘yung nag-ati-atihan siya?

“Walang ganu’ng OPM artist for me, siya ‘yung very experimental. Ako kasi may pagka-experimental ako, pero hindi ko pa siya nadadala to that level na people may say parang sobrang, out of this world na.

“’Pag artist ka kasi lagi mong sinasabi na ‘I wannna be like this, I wanna be like that, fearless, gusto ko talaga magawa ‘yung vision ko.

“Si Gloc 9 naman, passionate writer, ‘pag nakita mo siyang mag-perform nang live, para siyang halimaw talaga, ‘pag sinasabi niya ‘yung words sa rap, sinasabi niya talaga, sobrang thrill ng emotions na ‘nilalabas niya pag-perform niya.

“Una sa lahat siya ‘yung sumulat, pangalawa, alam niya kung ano ‘yung sinasabi niya, and when he writes songs hindi siya sumusulat ng mga bagay na mababaw lang. Sumusulat siya ng mga bagay na tumatalakay sa lipunan.

“’Yun ang nagma-matter, hindi lang ‘yun nagswa-swak sa music industry, even sa utak ng mamamayang Pilipino, so sobrang parehong deep (Rico at Gloc 9), (pero) magkaiba talaga,” mahabang sabi ni Yeng.

Ano naman ang pagkakaiba nina Rico at Gloc 9 kay Bamboo, na una niyang nakasama sa BY Request na pumuno sa Big Dome.

“Si Bamboo, sobrang na-surprise talaga ako sa tao na ‘yun, at talagang starstruck ako, kasi Bamboo siya. Lagi naman akong starstruck. Kahit kay Tito Gary (Valenciano) ‘pag nagkikita kami sa ASAP, kailangan kong bumuwelo.

“Si Bamboo ay mayroong imahe na tough, alam mo ‘yun, pero once na makausap mo siya, iba. Saka siya ‘yung pinakamabait na taong nakilala ko talaga, sobra siyang humble, napaka-gentle niyang tao.

“Hindi nakikita ng ibang tao ‘yung mga bagay na ‘yun na nakikita ko kasi lagi kong kasama sa backstage, kasama ko sa rehearsals and amazed lang ako kasi ganito pala ka-humble ‘tong taong to, ganito pala siya kadaling pakisamahan, ‘tapos napaka-professional niya, kasi rehearsal pa lang, wasak ka na.

“Para ba siyang nagpe-perform sa Araneta, so matsa-challenge ka. Talagang nag-grow ako nu’ng nag-show kami sa Araneta kasi kailangan kong pantayan siya, kasi kung hindi kakainin niya ako nang buhay. Kasi sobra siyang passionate, meron na akong apoy, ginatungan pa niya para lalo akong umapoy at ‘yun ang mga gusto kong maka-collaborate at nakikita ko rin ‘yan kina Gloc 9 at Rico na para dagdagan talaga ‘yung apoy ko. Nai-inspire talaga ako, talagang kailangan kong galingan ‘yung ginagawa ko kasi hindi naman lahat ng tao binibigyan ng pagkakataong makapag-perform sa Araneta and may mga taong nagtiwala sa ‘yo ng ganyan, kaya sobrang grateful lang ako. Excited na talaga akong mag-perform,”kuwento ni Yeng.

Itinuturing na big event sa Pinoy rock ang ICON: The Concert sa Araneta Coliseum, Nobyembre 21, 8:00 PM, produced ng Cornerstone Concerts co-presented ng Tuseran.