Nanatili ang Pilipinas bilang isa sa most gender-equal nations, nasa 9th place sa hanay ng 142 bansang sinukat, ayon sa 2014 Global Gender Gap Report na inilathala ng World Economic Forum (WEF).

Ang iba pang mga bansa na kasama ng Pilipinas sa top 10 ay ang Iceland, Finland, Norway, Sweden, Denmark, Nicaragua, Rwanda, Ireland, at Belgium.

Noong nakaraang taon, pang-lima ang Pilipinas sa 136 bansa na may least gender disparity batay sa 2013 Global Gender Gap Index.

Nananatili naman ang Yemen sa ilalim ng chart sa siyam na magkakasunod na taon. Ang United States ay umakyat ng tatlong puwesto mula sa nakaraang taon sa ika-20, matapos mabawasan ang agwat sa sahod at maitaas ang bilang ng kababihan sa parliamentary at ministerial level positions.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Tumalon naman ang France mula sa ika-45 patungo sa ika- 16 na puwesto, dahil din sa pagliit ng wage gap at sa pagtaas ng bilang ng kababaihan sa politika, kabilang na ang bilang mga minister sa gobyerno. Sa 49 porsiyento ng babaeng minister, ang France ngayon ay isa na sa may pinakamataas na ratio sa mundo.

Bumaba naman ang Britain ng walong puwesto sa ika-26, sa gitna ng mga pagbabago sa income estimates.

Sa hanay ng malalaking ekonomiya, ang Brazil ay nasa ika-71 puwesto, Russia sa ika-75, China sa ika- 87 at India sa ika- 114, ipinakita ng pag-aaral.

Habang mabilis na maabutan nababawasan ang gender gap sa kalalakihan sa mga larangan ng kalusugan at edukasyon, inaasahang hindi pa mabubura ang hindi pagkakapantay-pantay sa trabaho at hanggang sa 2095, ayon sa ulat.

Sinabi ng organisasyon, na taun-taon ay tinitipon ang global elite sa Swiss ski resort ng Davos, na ang gender gap sa lugar ng trabaho sa buong mundo ay halos hindi nabawasan sa nakalipas na siyam na taon.

Simula 2006, nang simulan ng WEF ang paglalabas ng taunang Global Gender Gap Reports, nagkaroon ang kababaihan ng access sa economic participation at tumaas ang oportunidad ng haggang 60 porsiyento sa kalalakihan, mula sa 56 porsiyento.

“Based on this trajectory, with all else remaining equal, it will take 81 years for the world to close this gap completely,” sinabi ng WEF sa isang pahayag.

“We welcome the results of the World Economic Forum’s Global Gender Gap Index 2014 which shows the Philippines remaining as the highest ranking Asian country in the Index,” pahayag ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr.. Sinabi ni Coloma na ang huling ranking ay “a testament of the Philippines’ resolute efforts to promote and advance programs and policies in gender and development especially in the four key areas – Economic Participation and Opportunity; Educational Attainment; Health and Survival; and Political Empowerment.”

May ulat mula sa World Economic Forum at AFP