Iwasang tanawin ang mga ugnayan bilang paligsahan ng ego. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pananaw sa mundo. Iba-iba rin ang ating mga pag-uugali, may kanya-kanyang ideya kung ano ang tama o mali, kung ano ang katanggap-tanggap at hindi, interesante o walang kuwenta, at kung anu-ano pa. Bilang resulta ng maraming taon ng karanasan at pag-aaral na ginamit natin upang maitatag ang ating personalidad, habang humahakbang ang panahon at unti-unti nating nakikilala ang ating mga sarili, lalo tayong tumitigas kung kaya hindi tayo matuto ng anumang bago.

Sulot ito ng pagkatakot na baka atakihin ang ating ego, kasi nga tayo ang ating ego.

Kapag nakikipag-ugnayan naman tayo, nagbabanggaan ang ating mga ego. Natatakot tayong palitan ang bagay na matibay nating pinaninindigan na suportado ng mga pundasyon ng ating mga sarili kung kaya nauudyukan nito ang komprontasyon at pagdurusa. Kapag nabatid mo na kung saan nagsisimula ang hidwaan, magkakaroon ka ng kapangyarihang pag-aralan ang mga di pagkakaunawaan na maaaring lumutang habang nakikipag-ugnayan ka sa iba mong kasama na may iba’t ibang pinanggalingan at ugali. Dahil dito, hindi gaanong masasaktan ang iyong ego, matututo kang magparaya, at lalawak ang iyong pag-unawa. At dahil nauunawaan mo ang pag-uugali ng iyong mga kasama, magiging maayos ang inyong relasyon at magugustuhan nila ang iyong matiwasay na disposisyon.

Isaalang-alang mo ang pananaw ng iba. Hindi tao ang sentro ng universe - na madaling maintindihan, madaling seryosohin. Hindi inilagay ang tao sa mundo upang pasayahin tayo. Gayunman, tulad ng nabanggit kahapon, ego ang hadlang sa ating koneksiyon sa iba. Ayaw ng ating ego na magpasakop. Kung alam natin na pare-pareho ang ating mga damdamin, maaari nating ilapat ang ating mga sinasabi at ginagawa ayon sa damdaming iyon. Isinasaalang-alang mo ang pananaw ng iba.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Mag-ingat ka rin sa mga magtatangkang magmanipula sa iyo. Gagamitin ka nila sa sarili nilang kapakanan. Upang maiwasan mo ito, maging flexible sa iying mga pananaw ngunit tiyakin na ang pag-uusap ay nakaangkla sa patas na mga termino. Kailangang naipahayag ng bawat isa ang kanya-kanyang pananaw na hindi hinuhubog ninoman. Siyempre, hindi mo rin mamanipulahin ang kahit na sino.