KALIBO, Aklan— Bistado ng awtoridad ang ilegal na hanapbuhay ni Jandy Corres, 32, tubong Julita, Leyte.

Naaresto si Corres matapos siyang mahuling nagbebenta ng mga hindi lisensyadong baril noong Martes sa puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Aklan.

Nasamsam mula sa suspek ang .45 Springfield Caliber Pistol, isang 9 mm black widow revolver at narekober ang tatlong cellphone at P500 (marked money) na ginamit sa entrapment operation.

Kasalukuyang nakakulong si Corres sa Kalibo PNP.
Probinsya

Lalaking naniningil ng utang, utas sa paulit-ulit na palo ng kawayan sa ulo!