Habang ginugunita ng Kamaynilaan ang bisperas ng All Souls’ Day o Halloween sa mga nakatatakot na kasuotan, mamarkahan ito ng archdiocese ng Manila sa naiibang paraan.

Magdaraos ang Manila Cathedral ng The March of Saints 2014 ngayong Biyernes, Oktubre 31, 2014, dakong 3:00 ng hapon. Ito ay isang pagdiriwang ng Halloween na nakasentro kay Kristo.

Ang mga batang lalahok ay darating na nakasuot ng kanilang mga paboritong santo, karakter sa Biblia, o iba pang relihiyosong imahe.

“In remembering and honoring our dearly departed, it would be much better to thnk of tem as saints, angles, and holy souls in heaven rather than as monsters, zombies, and lost souls,” ayon kay Manila Cathedral Rector, Monsignor Nestor Cerbo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Also in celebrating the year of laity, the event also aims to give emphasis to the example of the Christian lives lived specially by the lay leaders. This puts the celebration of All Saints’ and All Souls’ Days and its eve in the more proper perspective,” dagdag ni Cerbo.

Ang event ay katatampukan ng Eucharistic Celebration sa main altar simula 3:00 ng hapon sa pangunguna ni His Excellency Most Rev. Bernardino C. Cortez, DD.

Bago ang pinal na pagbabasbas, magsisimula at magtatapos ang martsa sa harapan ng Manila Cathedral Basilica para sa Final Hymn, Prayer and Blessing na pangungunahan ni Msgr. Cerbo. Kasunod nito ay tutungo ang mga batang kalahok sa March of Saints sa Fort Santiago para sa isang programa at fellowship.

Ang March of Saints 2014 ay inorganisa ng Prayer Warriors of the Holy Souls, na ang apostolate ay ipagdasal ang mga kaluluwa sa purgatoryo, kasama ang Manila Metropolitan Cathedral-Basilica at ng Intramuros Administration.