Nag-ala-Hayden Kho, -Chito Miranda at -Wally Bayola si Gov. Edgardo “Egay” Tallado ng Camarines Norte. Kung ang nabanggit na tatlo ay sumikat sa kani-kanilang sariling larangan, higit na sumikat sila sa kanilang sex video. Ganito rin si Gov. Egay. Sikat siya sa lalawigang kanyang pinamumunuan, pero higit siyang sikat ngayon sa loob at labas ng kanyang nasasakupan, at marahil maging sa labas ng bansa dahil sa kanyang sex video.

Noong una, halos umiiyak siyang napanood sa telebisyon sa paghahanap niya sa kanyang maybahay. May ilang araw na raw na hindi umuwi ito kasama ang kanyang aide mula nang umalis sa kanilang tahanan. Inalerto niya ang mga awtoridad sa kanyang hangaring matagpuan ang kanyang maybahay. Pero nang kumilos na ang pulisya sa Bicol region para hanapin ang ginang, lumutang ito at lumabas din sa telebisyon. Sa pang-umagang programa sa telebisyon, kasama ang kanyang abogado, sinabi ni Mrs. Tallado na napanood nga niya ang sex video ng kanyang mister sa cellphone nito. Nang lumabas sa Facebook ang hubo’t hubad na larawan ng kanyang kalaguyo, wika niya, pinagbintangan akong may kinalaman dito. Kaya raw siya lumayas dahil sa takot kay Gov matapos niyang makitang galit na galit ito sa unang pagkakataon mula nang ikasal sila dalawamput walong taon na ang nakararaan.

Noong Lunes, sa flag ceremony sa Kapitolyo, nagsalita si Gov at humingi ng pag-unawa at paumanhin para sa problema ng kanyang pamilya na nakaapekto sa Camarines Norte. Tingnan ninyong hiwalay, wika niya, ang isyu ng aking pamilya sa aking pagiging gobernador. Ang isyung sinabi ni Gov ukol sa kanyang pamilya ay problemang ginawa niya. Mahirap yatang ihiwalay ito sa kanyang pagiging gobernador. Hindi niya kauri ang tatlong taong nauna kong binanggit. Siya ay pinuno at ama ng kanyang probinsya. Tungkulin niyang magpasunod sa direksyong alam niyang makabubuti sa higit na nakararami niyang nasasakupan. Mahirap magpasunod ng taong hindi ka iginagalang. Ang sex video ang laging sasagi sa kanilang isipan kapag nakita siya o mabanggit ang kanyang pangalan na siyang nangyayari kina Kho, Miranda at Bayola. Kung kaya mong bigyan ng kahihiyaan hindi lang ang iyong pamilya at mga taga-Camarines Norte kundi maging kapwa mo nasa gobyerno na tapat na naglilingkod sa bayan. Magresign ka - ito ang paghingi ng tawad mula sa puso.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente