Ang Small Town Lottery (STL) o Lotto na pinakikilos ng gobyerno at nasa ilalim ng superbisyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ay may nakaiinsultong pangalan – Loteng, na pinagsamang salita na lotto at jueteng. Ang ilegal na numbers game na ito ay nananatiling namamayagpag sa buong bansa sa kabila ng pagbabawal dito.

Nilikha ang STL upang maging legal na alternatibo ng jueteng upang mapagbigyan ang kahiligan ng ating mga kababayan sa sugal, ngunit layunin nito ang ihinto ang ilegal na numbers game.

Ngunit dahil sa likas na pagkamalikhain ng mga Pilipino, kinumutan lamang ang jueteng ng STL na may legal na aura. Kaya ngayonj, nagpapatuloy ang paglaganap ng jueteng sa bansa kahit sa harap pa ng mga awtoridad na inatasang puksain ito.

Ngunit marami sa ating mga kababayan ang nagtatanong ngayon: Seryoso ba ang ating gobyerno sa paglaban sa ilegal na sugal? Kabilang sa nagtatanong ay ang mahigit 50 negosyante na na nagbuhos ng kanilang panahon at salapi sa paghahanda para sa PCSO-sponsored na Pambansang Loteryang Bayan (PLB), na una nang dinisenyo ng kasalukuyang administrasyon bilang perpektong pormula upang ihinto ang jueteng. Ang mga seryosong negosyanteng ito ay nag-apply sa PCSO at nagbayad para sa kanilang PBL franchises ngunit naiulat na pinayuhan sila na i-convert ang kanilang mga aplikasyon mula PLB sa STL na “ilulunsad uli”.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Magugunita na nagbigay ng ultimatum ang PCSO sa STL sa pagsisimula ng administrasyon ni PNoy ngunit laging napo-postpone ang deadlien nito, habang malayang ginagamit ng mga jueteng lord ang STL bilang front. Kaya ito ang inirereklamo ng mga negosyante ng PBL.

Magtatapos na ang rehimeng Aquino at marami pa ring katanungan. Ano ang mangyayari sa mga negosyante na ang kanilang mga aplikasyon para sa PBL franchise ay tinanggap na ng PCSO? Saan mapupunta ang franchise fee? Sinu-sino ang makikinabang sa STL system? Hindi ba ito maanomalya at sisira ng Tuwid na Daan ni Pangulong Aquino?