John Lloyd Cruz

“MALAY n’yo hindi na ako bumalik, joke!”

Ito raw ang sabi ni John Lloyd Cruz sa isang presscon noong Miyerkules ng tanghali.

Kuwento ng ilang katotong nakausap ng aktor, “Tinanong kasi siya tungkol sa kontrata niya kung bakit hindi pa siya pumipirma, sabi niya ‘pinag-iisipan ko pang mabuti kung magre-renew ako, kasi paalis kaming pamilya, magbabakasyon kami kasama si Angelica (Panganiban). Malay n’yo hindi na kao bumalik, joke!’

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

“Pakiramdam naming lahat, may plano nang magpakasal sina Lloydie at Angelica kasi kasama ang parents ‘tapos imi-meet pa nila ang daddy ni Angelica. So, ano’ng ibig sabihin nu’n? Bonding lang? Saka magtatagal yata sila, eh.”

Sabi namin, baka magbabakasyon lang, kasi nakatakdang gumawa ng pelikula ang aktor kasama si Sarah Geronimo sa susunod na taon.

“Tuloy pa ba sila ni Sarah?” tanong ng kausap namin. “Kasi sabi, Piolo (Pascual) at Sarah movie ang pang-Valentines offering ng Star Cinema.”

Timing naman na nakatsikahan namin sandali ang executive ng Star Cinema na si Roxy Liquigan sa 10th year anniversary cum birthday celebration ni Coco Martin at nabanggit nga niyang mauunang gagawa ng pelikula sina Piolo at Sarah.

“Two movies si Sarah next year, Reggs, kaya mauna muna si Piolo ‘tapos susunod ‘yung kay Lloydie,” kaswal na sabi ni Roxy.

Nabanggit din sa amin ng katotong namin na nalungkot daw si John Lloyd dahil hindi tanggap ng tao ang papel niya sa The Trial na isang special child.

“Mas gusto kasi siya sa romantic comedy kasama sina Sarah, Toni Gonzaga at Bea Alonzo, oo nga mas maganda ‘pag ganu’n nga.”

Ang moviegoers kasi mas gustong panoorin ang naiiyak sila sa katatawa sa loob ng sinehan kaysa sa seryoso at matinong pelikula.

Dagdag pang tsika ng aming katoto na ayaw magpaawat sa kuwento, “Ano pala, may tampo si John Lloyd sa ABS-CBN, hindi pa nari-reveal kung ano, eh.”

Napakunot ang noo namin dahil alagang-alaga naman ang aktor ng Dos at Star Magic in terms of projects, katunayan siya ang highest paid actor ng nasabing network. Bukod dito, wala kang mababasang hindi maganda kay JLC dahil halos lahat ng itinatanong sa kanya ay sinasala bago makalapit sa binata, ano ang dapat niyang ikatampo?

Kung si John Lloyd ay may tampo, paano na lang ‘yung napakaraming iba pang mga artista na hindi nabibigyan ng projects o hindi napapansin at ilang taon nang nakatengga sa Dos?