DHAKA (Reuters)— Hinatulan ng kamatayan ng war crimes tribunal ng Bangladesh ang lider ng Islamist Jamaate-Islami noong Miyerkules sa mga krimen laban sa sangkatauhan, kabilang na ang genocide, torture at rape, sa panahon ng war of independence mula sa Pakistan noong 1971.
Ibinaba ang hatol kay Motiur Rahman Nizami, 71, dating mambabatas at minister, na nagbunsod ng mga bayolenteng protesta sa bansa.