Ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling ni Senator Jose “Jinggoy” Estrada na makalabas ng piitan upang bisitahin ang puntod ng kanyang matalik na kaibigan na si Rudy “Daboy” Fernandez at iba pa nitong mahal sa buhay na sumakabilang buhay na.

Sa resolusyon na nilagdaan ni Fifth Division Chairman Rolando Jurado at sina Associate Justice Alexander Gesmundo at Ma. Theresa Estoesta, na kung pagbibigyan ng lupon ang kahilingan ni Estrada ay posible itong masundan pa at ito rin ay maaaring ituring na pagbabalewala sa proseso ng hustisya.

Bukod dito, magiging magastos din sa pamahalaan ang paglabas ni Estrada mula sa piitan nito sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame dahil obligado ang gobyerno na bigyan ito ng seguridad.

Una nang hiniling ni Jinggoy na bigyan ito ng furlough na epektibo ng limang oras sa Nobyembre 1 upang mabisita ang puntod ng kanyang mga yumaong mahal sa

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

buhay.