BRUSSELS (Reuters)— Nilagdaan ng Ukraine, Russia at European Union ang kasunduan noong Huwebes sa muling pagpapadaloy ng Moscow ng mahalagang supply ng gas sa kanyang katabing dating Soviet sa taglamig kapalit ng bayad na ang bahagi ang popondohan ng mga Western creditor ng Kiev.

Matapos ang ilang bigong pag-uusap nitong mga nakalipas na linggo, sa pagpapatuloy ng mga labanan sa kabila ng ceasefire sa mga rebeldeng maka-Russia sa silangan ng Ukraine, pahuhupain din ng kasunduan ang mga pangamba sa bagong “gas war” na makaaapekto sa supply ng enerhiya sa taglamig sa mga estado sa EU, lalo na nang isara ang mga pipeline sa buong Ukraine simula noong Hunyo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente