MIAMI (AP)- Walang LeBron James, walang problema.

Naipamalas ng bagong era ng Miami ang kanilang pinakamahusay na pagsisimula.

Nagposte si Chris Bosh ng 26 puntos at 15 rebounds, habang umiskor si Norris Cole ng career-high 23 points bilang starting point-guard ng Miami, kung saan ay umarangkada ang Heat upang talunin ang Washington Wizards,107-95, kahapon, ang unang pagkakataon sa loob ng limang taon na naglaro sila sa opener na wala si James.

‘’Heat Nation was waiting for this game,’’ pahayag ni Heat coach Erik Spoelstra. ‘’We were waiting for this game.’’

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagdagdag si Dwyane Wade ng 21 puntos sa Miami, ang 12 ay nagmula sa huling bahagi ng quarter matapos na siya’y pansamantalang papagpahingahin sanhi ng calf injury. Nagtala si Luol Deng ng 12 sa Miami, tumapos na may 44-36 rebounding edge.

‘’I’m just happy to be playing basketball again in front of this great crowd and this great city,’’ saad ni Bosh, ipinatas ang kanyang season average sa kalagitnaan ng second quarter. ‘’We have so much going for ourselves right now. I like to win. It doesn’t matter how we do it. We can get better.’’

Pinamunuan nina Marcin Gortat at Drew Gooden ang Wizards na taglay ang tig-18 puntos. Isinalansan ni Paul Pierce ang 17 sa kanyang Washington debut, habang tumapos si John Wall na may 16 puntos at 11 assists.

‘’We have to do a better job of establishing our identity,’’ pahayag ni Pierce. ‘’That team is not known for their rebounding. No way they should outrebound us.’’

Umungos ang Heat ng 9 sa nalalabing 9 minuto sa orasan, nakatulong din ang nakalululang threepoint play ni rookie James Ennis.

Ang layup ng kapwa rookie na si Shabazz Napier ang nagdala sa 84-75, bago muling nakipagsabayan ang Wizards.

Ikinasa ng Washington ang walong sunod na puntos, kasama si Otto Porter na nagsagawa ng pares ng jumpers na nakatulong sa Wizards sa 1 puntos na pagka-iwan na lamang.

Ngunit ang 3-pointers mula kay Cole at Mario Chalmers ang nagbigay naman sa Miami upang muling umarangkada.

‘’It had nothing to do with our offense,’’ ayon kay Wizards coach Randy Wittman. ‘’We didn’t defend off the dribble all night long.’’

Lumisan si Wade sa natitirang 2:49 sa third quarter makaraang masipa ito sa kaliwang calf. Nakipagpambuno ito kina Pierce at Garrett Temple sa sahig matapos ang loose ball. Agad na nagtungo si Wade sa locker room upang ipasuri ang kanyang napinsalang calf.

Nagbalik ito sa nalalabing 5:59 sa fourth. Taglay nito ang 4-for-11 mula sa sahig nang lisanin niya ang korte, at 4-for-5 matapos naman ang kanyang pagbabalik.