Umabot sa 30 pasahero ang nasugatan makaraang sumalpok sa isang puno ang isang pampasaherong bus sa Barangay Paringao, Bauang, La Union kahapon.

Isinugod sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) ang mga biktima na mga pasahero ng MVE bus line (AYV-463) mula sa Baguio City habang ito ay patungo ng Abra dakong 9:00 ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Bauang Police Station, nabatid nayupi ang buong harapan ng bus.

Sa lakas ng pagkakasalpok ng bus sa naputol ang puno ng mangga sa harapan mismo ng Paringao Elementary School.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng bus ang kalsada nang bigla na lamang itong dumiretso sa kaliwang bahagi ng daan hanggang sa sumalpok sa puno.

Posible umanong nakaidlip ang driver nang mangyari ang insidente.

Basag ang ulo ng konduktor ng bus na agad na itinakbo sa hospital.