OUAGADOUGOU, Burkina Faso (AP)— Tumangging magbitiw ang matagal nang lider ng Burkina Faso noong Huwebes sa harap ng mga bayolenteng protesta na nagbabanta sa halos tatlong dekada na niyang pamumuno.

Sumugod ang mga nagpoprotesta sa parliament building at sinilaban ang bahagi nito sa isang araw ng karahasan sa bansa upang pigilin ang parliamentary vote na magpapahintulot kay President Blaise Compaore na maupo sa ikalimang termino.

Isa ang namatay at ilan pa ang nasugatan sa gitna ng kaguluhan, sinabi ng mga awtoridad, at ipinatupad ang curfew mula 7 p.m. hanggang 6 a.m. Ilang oras ding isinailalim ang bansa sa state of emergency at inalis kinagabihan ng Huwebes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho