Binalaan ng isang toxic watchdog ang publiko laban sa pagbili ng dalawang brand ng mumurahing lipstick na natuklasang nagtataglay nang mataas na antas ng nakalalasong lead kaya’t mapanganib sa kalusugan ng tao.

Ayon sa toxic watchdog na EcoWaste Coalition, limang tube ng lipstick na may tatak na Baolishi at Monaliza ang natuklasang nagtataglay ng lead na may antas na 2,204 parts per million hanggang 2,487 ppm na labis na mas mataas sa 20 ppm threshold na ipinatutupad sa ilalim ng Asean cosmetics guidelines.

Ayon sa grupo, ang mga naturang lipstick ay ipinagbibili sa Quiapo, Maynila sa halagang P28 hanggang P35 lamang bawat isa.

Nangangamba si EcoWaste Coalition coordinator Aileen Lucero na maraming tao ang bumili ng mga naturang mumurahing lipstick, lalo na ngayong Undas upang gamitin sa Halloween costume.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“The ghastly lead content of these lipsticks should scare the hell out of all of us,” ani Lucero.

Nagbabala rin si Lucero na higit na delikado kung mga bata o buntis ang gagamit ng mga naturang lipstick na may lead, na isang powerful neurotoxin.