Nananawagan si Environment Secretary Ramon J.P. Paje sa publiko na maging mapagmatyag at tulungan ang mga awtoridad na malipol ang illegal na bentahan ng endangered species na ugat ng pagkaubos ng mga ito sa bansa.
Ito ang panawagan ni Paje makaraan ang pagkakaaresto ng mga wildlife offender sa magkakahiwalay na operasyon ng Philippine Operations Group on Ivory and Illegal Wildlife Trade ng DENR.
Aniya, malaki rin ang maitutulong ng publiko sa paglipol sa illegal wildlife kung hindi papatulan ang mga illegal wildlife consumerism.
“The public can assist us in two ways: by being vigilant and reporting suspected illegal traders, and by refusing to buy or own wildlife pets sourced from these illegal traders. And we are grateful that there are those who have already been heeding this call,” ani Paje.
“Remember that when there are no buyers, there are no sellers nor poachers. It is also easy to verify the legality of a wildlife trader’s business operation through a certification from the DENR,” diin niya.
Sa naturang operasyon ng DENR, mahigit 60 iba’t ibang uri ng ibon kasama na ang mga endangered Philippine cockatoo ang nakumpiska ng mga operatiba sa mga nahuling suspek.