Aminado si Senator Antonio Trillanes na maging ang kanyang pagngiti ay inaaral na rin niya bilang paghahanda sa magiging debate nila ni Vice President Jejomar Binay.
Nakatatak kasi kay Trillanes, isang dating opisyal ng militar, ang seryosong mukha at bihira itong makitaan ng pagngiti kaya madalas na napagkakamalang suplado.
Pero sa isang panayam, sinabi ni Trillanes na bukod sa pag-aaral ng mga alituntunin sa debate at pakikipag-usap sa mga may karanasan sa debate, ang pagngiti ay kanyang puntirya ngayon.
Sa Nobyembre 10 ang napupusuang petsa ng debate nina Trillanes at Binay sa Philippine International Convention Center (PICC) na pangangasiwaan ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas.
Pero ang kampo naman ni Binay ay atubili kung papayagan nila ang bise presidente na makatapat sa debate ang senador.
Nauna ng hinamon ni Binay si Trillanes na humarap sa isang debate na agad namang tinanggap ng mambatas.