Arestado ang isang kilabot na holdaper na responsable sa mga holdapang nagaganap sa EDSA, makaraang humingi ng tulong sa mga pulis ang ginang na hinoldap niya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay P/ Chief Inspector Reynado Medina, head ng Sub-Station 1 ng Caloocan Police, bukod sa kasong robbery hold-up, kinasuhan din ng Batas Pambansa Blg. 6 si Patrick Cruz, 20, alyas “Kevin,” naninirahan sa Pangako Street, Barangay 150, Bagong Barrio ng nasabing lungsod, matapos mahulihan ng balisong na may habang 12 pulgada.

Dakong 4:30 ng hapon sa panulukan ng EDSA at Malvar Street, Bgy 136, Caloocan City, hinoldap ng suspek ang biktimang si Irene Cleofas habang naghihintay ng masasakyang jeep. Kinuha ng suspek ang cellphone ng babae na nagkakahalaga ng P26,000 at P5,000.

Kaagad na nagtungo sa opisina ni Major Medina si Cleofas at humingi ng police assistance. Nagresponde sina SPO3 Bernardo Bautista, PO1’s Emmanuel Castro at Aaron Gonzalodo at naaresto si Cruz na pasimpleng naglalakad sa lugar.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon