Ipinababawi ng Food and Drug Administration (FDA) ang isang batch ng gamot para sa tuberculosis (TB) na Rifampicin 450mg capsule (Picinaf) matapos matuklasang hindi sinunod ng produkto ang nakasaad sa kanilang packaging labels.

Sa inilabas na advisory ng FDA, pinayuhan din nito ang publiko na iwasan ang pag-inom ng Rifampicin 450mg capsule (Picinaf) na may Lot Number BK3503.

“All consumers are being advised not to purchase or use the affected products,” bahagi ng Advisory.

Pinayuhan pa nito ang mga konsumidor na nakararanas ng hindi magandang reaksyon dahil sa nasabing batch ng gamot na kaagad na mag-report sa FDA.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang Rifampicin ay isang uri ng gamot na ginagamit panggamot sa pulmonary at extra-pulmonary tuberculosis.