Laro ngayon: (Marikina Sports Center)

7pm Hobe-JVS vs Supremo Lex Builders-OLFU

8:30pm MBL vs Siargao

Nanatiling malinis ang kartada ng Sealions sa 4th DELeague Invitational Basketball Tournament matapos na lunurin ang MBL Selection, 94-75, noong Martes ng gabi sa Marikina Sports Center, Marikina City.

National

Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nagbuslo ng 27 puntos ang dating PBA player na si Egay Billones para pangunahan ang Sealions na nangunguna sa Group B sa kartadang 2-0. Nagdagdag naman ng 13 puntos si Ron Zagala at may 10 puntos at 11 rebounds si Eric Rodriguez.

Ang MBL Selection ay pinamunuan ni Alfren Gayosa na nagtala ng 19 puntos at 13 puntos naman kay Mike Ayonayon. Nag-ambag din ng 10 puntos at 12 rebounds si Edward Olotu.

Sa ikalawang laro ng ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PSBank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental, Tutor 911 at Toyota Motors Marikina, dinaig ng Team Mercenary ang Cars Unlimited, 65-51.

Gumawa si Matt Genela ng 13 puntos habang si Vaughn Canta ay nagposte ng 11 puntos at 7 rebounds para sa Mercenaries.

Inasinta ni Kevin Espinosa ang 9 puntos at 4 rebounds at isinalansan ni JR Alabanza ang 3 puntos at 12 rebounds para sa wala pang panalong Cars Unlimited.