LOS ANGELES (AFP) – Sa ikatlong pagkakataon, muling nagpasuri ang Oscar-nominated Australian actor na si Hugh Jackman upang maipagamot ang skin cancer, ayon sa kanyang tagapagasalita noong Martes.
Matatandaang ibinahagi ni Jackman sa publiko na sumailalim siya sa unang gamutan noong nakaraang Nobyembre nang matuklasan niya na mayroong siyang basal cell carcimona (BCC). At sinundan noong Mayo ng kasalukuyang taon.
Kinumpirma ng tagapagsalita ni Jackman na si Alan Nierob sa AFP na ito na ang ikatlong pagkakataon na muling gagamutin ang aktor bagamat tumangging magbigay ng karagdagang impormasyon, ngunit agad namang nilinaw ng isang kinatawan na ang aktor ay “all good.”
Ang BCC ay karaniwang uri ng skin cancer, na umaabot sa dalawang milyong kaso ang sinusuri sa United States kada taon, ayon sa American Academy of Dermatology (AAD).
Ito ay karaniwang tumutubo sa ulo, leeg, at palad, ngunit pinakamadalas sa mukha at ilong.
Si Huge Jackman ay gumanap sa X-Men blockbusters, at naging nominado rin sa Academy Award at nanalo ng Golden Globe para sa Les Miserables noong 2012.