Nagsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Southern Police District Office (SPDO) kaugnay sa isang opisyal nito na inakusahang nanggahasa ng naarestong guest relations officer (GRO) mula sa isang night club sa Pasay City noong Oktubre 24.

Ayon kay SPD Director Chief Supt. Henry S. Rañola Jr. pinaiimbestigahan na niya ang insidente at agad na ipinatawag si Supt. Erwin M. Emelo, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU), nang matanggap ang reklamong ng isang GRO na kabilang sa 65 babaeng inaresto ng DSOU noong Oktubre 23, dakong 12:00 ng hatinggabi, sa Miss Universe Club and KTV Bar sa Libertad, Pasay City.

Nasa floating status si Emelo habang isinasagawa ang imbestigasyon ng SPD.

Naisampa na rin ang kasong panghahalay laban kay Emelo sa Department of Justice matapos magreklamo ang GRO sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Linggo at nagpa-medico legal sa Criminal Investigation and Detective Group (CIDG).
National

VP Sara, sinagot pahayag ni Año na usapin ng 'national security' anumang banta kay PBBM