Enrique at Liza

AGAD nangalabog ang Forevermore, ang newest teleserye na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ayon sa survey ng Kantar Media nitong Lunes, ang pinakabagong primetime romantic drama series ng ABS-CBN ang nanguna sa mga serye sa buong Pilipinas. Noong Lunes nag-premiere telecast ang serye na humataw sa national TV rating ng 27.1%. Ito ang pangalawa sa listahan ng most-watch TV programs sa buong Pilipinas, kasunod ng TV Patrol.

Lampas sa doble ang national TV rating na nakuha ng pilot episode ng Forevermore kontra sa katapat nitong serye sa GMA na Hiram na Sandali (12.8%).

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

Bukod sa ratings, namayagpag din ang Forevermore sa Twitter. Anim sa 10 worldwide trending topics noong Lunes ay may kinalaman sa programa. Nanguna sa listahan ang official hashtag nitong #ForevermoreBegins na sinundan ng ‘Enrique Gil,’ ‘Liza Soberano,’ ‘Enrique,’ ‘Liza,’ at ‘Quen.’ Nag-trend rin sa Twitter Philippines ang ‘Direk Cathy’ at ang linyang ‘Si Yves.’

Ang Forevermore ay naiibang kuwento ng unang pag-ibig na umusbong sa dalawang taong magkaibang-magkaiba ang mundo — ang rebelde at iresponsibleng unico hijo ng isang hotel magnate na si Xander (Enrique) at ang palaban at masipag na strawberry jam queen ng La Trinidad, Benguet, na si Agnes (Liza).

Ang Kapamilya primetime hit series ay mula sa direksyon nina Cathy Garcia-Molina at Ted Boborol, produksiyon ng Star Creatives, ang grupong naghatid sa primetime TV ng hit romantic drama series gaya ng Princess and I at Got To Believe.