Naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang maybahay ni Davao City Police chief Senior Supt. Vicente Danao Jr. laban sa opisyal ng pulisya dahil sa umano’y pananakit sa kanya.

Sinamahan ng mga miyembro ng Gabriela si Susie Danao nang magtungo ito sa DOJ dakong 9:00 ng umaga kahapon upang maghain ng reklamo laban sa kanyang asawa kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence against Women and Children Act.

Sa kanyang 12-pahinang reklamo, sinabi ni Mrs. Danao na ilang beses pinagsisigawan at sinaktan siya at kanilang anak ni Vicente mula 2002 hanggang 2013.

Kung hindi siya hihingi ng tulong sa awtoridad sa pang-aabuso ng kanyang asawa, nangangamba si Susie na posibleng magpatuloy pa Camiahindi lamang ang pananakit nito sa kanila ngunit ang pambabae ng police official.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“My children are getting older and I am afraid that if my husband continues with his violent ways and marital infidelity, he would ultimately destroy the future of our children that I have helped build through my years of working as an OFW,” pahayag ni Mrs. Danao sa kanyang reklamo.

Noong Agosto, naging viral sa social media ang isang video na nagpapakita habang sinisigawan at sinasaktan si Susie ni Vicente.

Sinabi ni Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan na dapat na mapatawan ng parusa si Vicente dahil imbes na siya ang magpatupad ng batas bilang isang pulis ay ito pa ang nananakit ng kapwa.