Hindi maitatago ang panibagong pag-asa at saya sa mga puso at isipan ng 50 kabataang atleta na nagpamalas ng kanilang angking husay nang mapasama sa natatanging Most Outstanding Athletes sa pagsasara ng 2014 MILO Little Olympics National Finals sa Marikina City Sports and Freedom Park.

Bukod sa karangalang kanilang natamo, makatatanggap din ng insentibo sa nag-oorganisang Milo Philippines ang mga kabataan ng iba’t ibang produkto sa loob ng isang taon, maliban pa sa kanilang matatanggap na scholarship at suporta sa kanilang edukasyon sa elementary at sekondarya.

“We want them to achieve their big dreams in our own little way,” pagmamalaki ni Milo Sports Executive Robbie De Vera.

“As you can see, most of them came from not so affluent family and having a scholarship is a big lift to them and to their parents and families as well,” giit pa ni De Vera.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ilan sa napili bilang Most Outstanding Athletes sa elementarya sina Jhon Remond sa boys at Aaliyah Ingram sa girls athletics na mula sa NCR. Gayundin sa badminton boys na si Kish Miguel Laboy ng Colegio Monterei de Pila (Luzon) at Zinah Marichelle Bejasa ng Banilad Elementary School (Visayas) sa girls.

Kasama rin si Charles Brian Asio at Ronmark Abrea ng Xavier University Graduate School (Mindanao) sa basketball habang sa chess boys si Bruce Cressler Gabing ng Bulua Central School sa Mindanao at Catherine Regina Quinanola ng Malabuyoc Central School (Visayas) sa girls.

Nagwagi sa football boys sina Joaquin Buyco at Charles Unabia (Don Bosco Tech Center–Visayas) at gymnastics boys si John Paul Cabido (Padiangas South Center-Mindanao) at Daniela Reggie (Dela Pisa University of Visayas-Main Visayas) sa girls.

Napili sa scrabble boys si John Silvin Collamat at Janen Anchojas (Paliparan III Elementary School-NCR) sa girls.

Napasama rin mula sa sepak takraw boys si John Arsyl Tupas (Malanday Elementary School NCR) at swimming sa boys si Psalm Deniel Aquino (Asian College Tech Visayas) at Jules Katherine Ong (St. Jude Cathloic School NCR) sa girls.

Nakasama rin para sa table tennis si Chen Wei Rhong Amarillo (Mandaluyong Elementary School-NCR) sa boys at Jorrina Nepomuceno (Sta. Isabel Elementary School) sa girls habang sa taekwondo boys si Jan Edward Salao (SPED Center-Luzon at Cris Hilado (St. Johns Institute-Visayas) sa girls.

Kabilang sa tennis boys si Aljon Talatayod (Legarda Elementary School-NCR) at Ivy Joy Poliquit (Naramang Central Elementary School-Mindanao) sa girls habang sa volleyball boys ay si Matthew Gabriel Navace (Subangdaku Elementary School Visayas) at Anne Krissa Caasi (Masugpo Pilot Central School Mindanao) sa girls.

Napili naman sa High School division sa athletics boys si Ninolito Justiniane (Beatriz Durano Memorial HS-Visayas) at Elrica Anne guro (Iloilo National High School Visayas) sa girls habang sa badminton boys si Daniel Pantanosas (Corpus Christi School-Mindanao) at Jellene Geviane De Vera (Colegio de Montessori de Pila-Luzon) sa girls.

Sa basketball boys, napahanay si Kent Vincent Moral at Ken Gato na mula sa Univeristy of San Carlos University-Visayas at sa chess boys si Romeo Canino (MOGCHS) at Laila Camel Nadera sa Univeristy of San Carlos University Visayas sa girls. Ipinagkaloob naman ang karangalan sa football boys kina Daniel Saavedra at John Abraham ng San Beda College-Rizal NCR.

Sina John Ivan Cruz (Araullo High School NCR) at Arielle Nichole Orella (Jose Abad Santos HS-NCR) ang pinarangalan sa gymnastics boys at girls habang sa scrabble boys si Michael Benedict Tuba (Univeristy of San Carlos University-Visayas) at Frances Dianne Lim (Univeristy of San Carlos University-Visayas) sa girls.

Nakasama naman mula sa sepak takraw boys si Chito Duavis (Sta. Elena High School NCR) habang sa swimming boys si Cedric Joseph Fox (Philippine Nikkei Jin Kai Int’l School – NCR) at Suzanne Vernon Himor (EAC-IMA NCR) sa girls habang sa table tennis boys si Jann Mari Nayre (Cavite National HS-NCR) at si Sherlyn Love Gabisay Severino sa girls na mula sa Duterte NHS-Visayas.

Napili sa taekwondo boys si Gabriel Soria (Univeristy of Baguio HS-Luzon) at Ezra Balingit (School of Saint Anthony-NCR) sa girls habang sa tennis boys si Noel Damian Jr. (San Beda College Rizal-NCR) at Shyne Villareal mula sa Subangdaku Elementary School Visayas sa girls.

Sa volleyball boys, napahanay si Manuel Andrei Medina (Jose Rizal Institute-Luzon) at Justine Dorog mula sa Hope Christian High School-NCR sa girls.