Ipagkakaloob na ng National Housing Authority (NHA) sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) ang lupaing pag-aari nito na kinatitirikan ng nasabing ospital sa Quezon City.

Paliwanag ni NHA General Manager Chito Cruz, hinihintay na lamang ng kanyang tanggapan ang ilalabas na proklamasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ang lawak ng naturang lupain ay aabot sa 3.7 ektarya.

Matatandaan na naging kontrobersiyal ang nasabing lupain nang ihayag ng NHA na tatanggalin na nila ang nasabing pagamutan sa lugar upang maibenta nila ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kamakailan, iginiit ng pamunuan ng PCMC na “hindi maaaring tanggalin ang ospital na mahigit tatlong dekada na sa lugar dahil maaapektuhan ang mahihirap na pasyente nito.”

Aabot sa 60,000 pasyenteng mahihirap ang ginagamot sa PCMC kada taon.