Walang balak makisawsaw si Pangulong Aquino sa tumitinding ingay sa pulitika na may kinalaman sa 2016 elections.

Ito ang binigyang diin ng Malacañang kasunod ng pahayag na walang interes o kinalaman ang Pangulo sa 2016 elections.

Ang pahayag ng Malacañang ay bunsod ng batuhan ng putik ng kampo nina Vice President Jejomar Binay at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na may kaugnayan sa “Oplan Nognog” at “Oplan Maligno.”

“Nakatutok po kami sa pagtugon sa mga kinakaharap na problema ng bansa,” pahayag ni Lacierda.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Una nang lumutang ang interes ni Aquino sa ikalawang termino at makikinig muna ito sa boses ng mamamayan bago magdedesisyon sa hakbang nito sa 2016.

Pero agad naman itong tinuldukan ni PNoy at sinabing tanging ‘judicial overreach’ ang nais niyang makamit sa hangaring maamiyendahan ang Saligang Batas imbes sa haka-hakang nag-aambisyon na tumakbo muli sa 2016.