ISULAN, Sultan Kudarat – Ilulunsad sa Nobyembre 3 ang ika-15 “Kalimudan Festival” ng Sultan Kudarat, kasabay ng ika-41 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan, sa pangunguna ni Gov. Datu Suharto Mangudadatu, al hadz.

Makikita na sa mismong bulwagan ng kapitolyo ang exhibit ng iba’t ibang produkto at tourist destination na ipinagmamalaki ng 11 bayan at isang lungsod ng probinsiya.

Ipinagmamalaki rin ng lalawigan ang “Battle of Festivals” ng mga bayan sa Sultan Kudarat.

Tiniyak naman ng 601st Infantry Brigade ni Col. Melquiadez Feliciano, katuwang ang pamunuan ni Sultan Kudarat Police Provincial Office chief Senior Supt. Rex dela Rosa, ang pagbibigay ng seguridad sa pagdiriwang. (Leo P. Diaz)
National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador