MANAGUA (AFP)— Nanalasa ang Tropical Depression Hanna sa hilagang silangan ng Nicaragua at silangan ng Honduras, nagdulot ng malalakas na ulan at nagbabala ang US forecasters ng mga mapinsalang baha.
Bahagyang humina at ibinaba mula sa tropical storm status, taglay ni “Hanna” ang lakas na hangin na 55 kilometro kada oras at nagbuhos ng 15 inches ng ulan sa Honduras at Nicaragua, ayon sa Miami-based National Hurricane Center.
“These rainfall amounts will produce life-threatening flash floods and mudslides,” babala ng NHC cautioned dakong 0001 GMT noong Martes.