COLOMBO, Sri Lanka (AP) — Nabaon sa mudslide sa central Sri Lanka ang ilang hanay ng tirahan ng mga manggagawa sa isang tea estate at inaalam na ng mga opisyal ang bilang ng mga namatay.

Sinabi ng isang opisyal mula sa Disaster Management Center na binura ng mudslide ang pitong hanay ng tirahan ng mga manggagawa at apat pang kabahayan.

Naganap ito noong Miyerkules sa Meeribedda tea estate sa Badulla district, 218 kilometro sa timog silangan ng kabiserang Colombo.

Kumilos na ang militar para sa rescue operations.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho