Labis na kalungkutan ang posibleng dahilan ng pagpapatiwakal ng isang 24-anyos na binata matapos siyang hiwalayan ng kanyang nobya sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Wala nang buhay at nangingitim na ang biktimang si Victorino Valdiviesta, residente ng Barangay Western Bicutan ng lungsod, nang matagpuan ng kanyang kaanak na nakabigti gamit ang nylon cord na nakasabit sa kisame ng kanilang bahay dakong 11:30 ng umaga.

Sa ulat ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Taguig City Police, tumanggi ang pamilya ng biktima na magsagawa pa ng imbestigasyon kaugnay sa pagpapatiwakal nito.

Sa pahayag sa pulisya ni Paterno, 51, ama ng biktima, tiwala siyang nagpakamatay ang kanyang anak kaya hiniling na huwag nang imbestigahan pa ang insidente.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Ayon sa pulisya, tinuldukan ng kasintahan ng biktima ang kanilang relasyon ang pinaniniwalaang dahilan ng pagbibigti ni Valdiviesta.