Hiniling ng Federation of the Associations of Private Schools and Administrators (Fapsa) sa mga pinuno ng private school na itigil ang mga Halloween party na nagsusuot ng mga nakakatakot na costume ang mga batang mag-aaral.

Iginiit ni Mr. Eleazardo Kasilag, pangulo ng Fapsa, na nagdadala ito ng masamang mensahe sa mga yumaong mahal sa buhay sa paggunita ng Undas.

“Some schools during All Saints Day are at fault of devilish concepts because a wrong perception is allowed to be enjoyed by preschoolers by some administrators,” pahayag ni Kasilag. “Private schools heads are also guilty here dignifying the triumph of the devils with gory costumes.”

Isinuhestyo niya na kung magkakaroon ng costume party sa paaralan, nakabubuting magsuot ang mga bata ng tulad sa super heroes, cartoon characters at fairies.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Toddlers can be inspired by the beauty of the fairies, the wonders of cartoon characters and the heroics of our super heroes. Then they will get the inspiration,” diin ni Kasilag.